Friday, May 18, 2012

Patunay ng Galing ng Mountaineer na Filipino

Patunay ng Galing ng Mountaineer na Filipino

     Ako si Jann Cris isang magaaral, nabibilang sa IT industriya, mahilig mag food trip, at higit sa lahat mahilig maglakwatsa kaya nga ako ay naturingang Weekend Lakwatsero. 
Dati ako ay isa lamang lakwatsero isang terminolohiya na ang ibig sabihin ay mahilig maglaboy mahilig maglakwatsa.  
Ngunit dumating ang araw may magandang pagbabagong naganap...
     Bago tayo tumungo sa pagbabagong iyon... Papaano nga ba nagumpisa ang hilig ko sa pamumundok?




Unang pagakyat sa bundok. Seoraksan,South Korea

     Pebrero 2010 ang aking unang pagakyat sa bundok. Ako ay nagpunta sa bundok   Seoraksan,South Korea. Inaamin ko na sa pagkakataon na ito na kahit may cable car sa ibang parte ako ay nahirapan pa din sa kadahilanang di ko naman gawain ang pamumundok at sa kadahilanang madulas sapagkat may nyebe sa daan. Pero ng narating ko ang tuktok kakaibang kaligayahan ang dulot nito... kalayaan.







Pagakyat para sa pagtibay ng pagkakaibigan


     Nasundan ito noong Nobyembre 2011 ng nagyaya ang aking mga hinde mountaineer na kaibigan na umakyat sa bundok sa Buntot Palos,Laguna. Ako ay lubusang nahirapan sapagkat di ko naman talaga gawain ito at ako ay takot sa matataas na lugar. At ng marating namin ang Hidden Falls...kalayaan at mas matibay na pagkakaibigan.






     Ito ay nasundan ng kami ay nagtungo sa Batad, Ifugao...
Dito nawala ang takot ko sa matataas na lugarDito nagumpisa ang pagkahilig ko sa pagakyat

Dito ko mas lalong natutunan ang makibagay sa ibat ibang klase ng tao


     Enero 2012 nasundan muli ito ng ako ay makasama sa Storm Chasers sa pagakyat ng Bundok Manalmon. Ako ay lubusang nasiyahan di lamang sa lugar pati na rin sa saya ng dulot ng kwentuhan. 




Storm Chasers at Trekkeras at kanilang mga kaibigan.


At nasundan pa itong ibang pagakyat sa ibang bundok...bagong akyat, bagong mga kaibigan


FACETS-Freespirits' Adventour Club of Eco-Trippers


Iba't ibang lugar ang aking napuntahan, iba't ibang tao ang aking nakilala... iba't ibang lahi... natuto akong lalong makibagay 

    Ng makalaunan napansin kong sila din pala ay mahilig sumama sa mga events tulad ng pagtanim ng punopag repack ng school supplies na donationpagsuporta ng mga event na nakakatulong sa mga batang may sakit at nakakatanda(U! Happy Events).

  
Earth Day 2012 Green Peace Tree Planting Project - Arroceros Park

 
La Mesa Nature Reserve Park Tree Planting

Para sa Edukasyon



     Ako ay nagpapasalamat sa mga mountaineer na nakilala ko. Dahil sa kanila ako ay naging isang mas mabuting tao sa kadahilanang mas naging aktibo ako sa pagtulong sa kapwa at sa pagaruga sa kalikasan.

Yan ang galing ng Mountaineer na Filipino. Hinde lang pagakyat sa bundok ang nais... Kundi pagtulong sa kapwa at kalikasan
Nakakatuwang isipin na ang pagakyat sa bundok ay magdudulot ng isang magandang pagbabago... Kaya tara na...akyat na ^_^


Habang sinusulat ko ito nakangiti ako ^_^ ... excited na ako sa magaganap na tree planting sa Kick Off event at sa Haribon Foundation Tree Planting...





Next good deeds events
Freedom Climb 2012 on facebook
REGISTER TO UNITE! with tree planting June 9-10
www.freedomclimb2012.weebly.com


Haribon Foundation Tree Planting Saturday, June 16, 2012


0 comments:

Post a Comment

Protected by Copyscape Duplicate Content Checker
If you would like to use any images or content from this website kindly contact me on this site to ask for permission.
Surfing Baler Philippines Baler, Aurora